Add parallel Print Page Options

23 “Bakit? Ano ang nagawa niyang masama?” tanong ni Pilato.

Ngunit lalo pang lumakas ang kanilang sigawan, “Ipako siya sa krus!”

24 Nang(A) makita ni Pilato na wala siyang magagawa, at malamang pa'y magkagulo, nagpakuha siya ng tubig at naghugas ng kamay sa harap ng mga tao. “Wala akong pananagutan sa dugo[a] ng taong ito. Ito'y pananagutan ninyo!” sabi niya.

25 Sumagot naman ang mga tao, “Pananagutan namin at ng aming mga anak ang dugo[b] niya.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 27:24 dugo: o kaya'y pagkamatay .
  2. Mateo 27:25 dugo: o kaya'y pagkamatay .