Font Size
Mateo 27:3-5
Magandang Balita Biblia
Mateo 27:3-5
Magandang Balita Biblia
Ang Pagkamatay ni Judas(A)
3 Nang(B) malaman ng taksil na si Judas na si Jesus ay nahatulang mamatay, nagsisi siya at isinauli sa mga punong pari at mga pinuno ng bayan ang tatlumpung pirasong pilak. 4 Sinabi niya, “Nagkasala ako! Ipinagkanulo ko ang dugo ng taong walang kasalanan.”
“Ano ang pakialam namin sa iyo? Bahala ka sa buhay mo!” sagot nila.
5 Inihagis ni Judas sa loob ng Templo ang tatlumpung pirasong pilak, at pagkaalis doon, siya'y nagbigti.
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.