Add parallel Print Page Options

Ang Pagkamatay ni Judas(A)

Nang(B) malaman ng taksil na si Judas na si Jesus ay nahatulang mamatay, nagsisi siya at isinauli sa mga punong pari at mga pinuno ng bayan ang tatlumpung pirasong pilak. Sinabi niya, “Nagkasala ako! Ipinagkanulo ko ang dugo ng taong walang kasalanan.”

“Ano ang pakialam namin sa iyo? Bahala ka sa buhay mo!” sagot nila.

Inihagis ni Judas sa loob ng Templo ang tatlumpung pirasong pilak, at pagkaalis doon, siya'y nagbigti.

Read full chapter