Add parallel Print Page Options

46 At(A) nang malapit na ang oras na ikasiyam[a] ay sumigaw si Jesus ng may malakas na tinig, na sinasabi, “Eli, Eli, lama sabacthani?” na ang kahulugan ay “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?”

47 At nang marinig ito ng ilan sa mga nakatayo roon ay sinabi nila, “Tinatawag ng taong ito si Elias.”

48 Tumakbo(B) kaagad ang isa sa kanila at kumuha ng isang espongha, pinuno ito ng suka,[b] inilagay sa isang tambo, at ibinigay sa kanya upang inumin.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 27:46 o ikatlo ng hapon sa makabagong pagbilang ng oras .
  2. Mateo 27:48 o maasim na alak ng kawal Romano .