Font Size
Mateo 27:54-56
Ang Biblia, 2001
Mateo 27:54-56
Ang Biblia, 2001
54 Nang makita ng senturion at ng mga kasamahan niyang nagbabantay kay Jesus ang lindol at ang mga bagay na nangyari, sila'y lubhang natakot, at nagsabi, “Tunay na ito ang Anak ng Diyos.”[a]
55 At(A) marami ding babae roon na nakatanaw mula sa malayo na sumunod kay Jesus buhat sa Galilea, na naglingkod sa kanya.
56 Kasama sa mga iyon ay si Maria Magdalena, si Maria na ina nina Santiago at Jose, at ang ina ng mga anak ni Zebedeo.
Read full chapterFootnotes
- Mateo 27:54 o isang Anak ng Diyos .