Font Size
Mateo 27:54-56
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Mateo 27:54-56
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
54 Ang kapitan at ang kanyang mga sundalo na nagbabantay kay Jesus ay nasindak nang mayanig ang lupa at nang makita ang mga pangyayari. Sinabi nila, “Totoo ngang siya ang Anak ng Dios!” 55 Sa di-kalayuan ay maraming babae na nanonood sa mga pangyayari. Noong umalis si Jesus sa Galilea, sumunod ang mga babaeng ito sa kanya at tinulungan siya sa kanyang mga pangangailangan. 56 Kabilang sa kanila si Maria na taga-Magdala,[a] si Maria na ina nina Santiago at Jose, at ang asawa ni Zebedee.
Read full chapterFootnotes
- 27:56 Maria na taga-Magdala: Sa ibang salin ng Biblia, Maria Magdalena.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®