Font Size
Mateo 27:64-66
Ang Salita ng Diyos
Mateo 27:64-66
Ang Salita ng Diyos
64 Ipag-utos mo nga na bantayang maigi ang libingan hanggang sa ikatlong araw at baka sa gabi ay nakawin siya ng kaniyang mga alagad. At sabihin nila sa mga tao: Siya ay nabuhay mula sa mga patay. Kung magkakagayon, ang pandaraya ay magiging malala kaysa una.
65 Sinabi ni Pilato sa kanila: Mayroon kayong tagapagbantay. Humayo kayo at ipabantayang mahigpit ayon sa inyong kakayanan. 66 Sa pag-alis nila, tiniyak nila na nakasara na ang libingan at nilagyan ng selyo ang bato at ipinabantayan sa mga bantay.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International