Add parallel Print Page Options

Magmadali kayo at sabihin ninyo sa kanyang mga alagad na siya'y muling nabuhay mula sa mga patay. Mauuna na siya sa inyo sa Galilea. Makikita ninyo siya roon. Tandaan ninyo ang sinabi ko sa inyo.” Nagmamadali nga silang umalis sa libingan nang may magkahalong takot at malaking tuwa. Tumakbo sila upang magbalita sa mga alagad niya. At biglang sinalubong sila ni Jesus, binati sila at sinabi, “Magalak kayo!” Lumapit sila sa kanya at yumakap sa kanyang mga paa at sumamba sa kanya.

Read full chapter