Add parallel Print Page Options

Sinabi niya: Magsisi kayo sapagkat malapit na ang paghahari ng langit. Ito ay sapagkat siya ang tinutukoy ni propeta Isaias nang kaniyang sabihin:

Ang tinig ng isang lalaking sumisigaw sa ilang. Sinabi niya: Ihanda ninyo ang daan para sa Pangi­noon. Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas.

Ang damit ni Juan ay yari sa balahibo ng kamelyo at may isang pamigkis na katad sa kaniyang baywang. Ang kaniyang pagkain ay mga balang at pulot-pukyutan.

Read full chapter