Font Size
Mateo 4:16-18
Ang Biblia, 2001
Mateo 4:16-18
Ang Biblia, 2001
16 Ang bayang nakaupo sa kadiliman,
ay nakakita ng dakilang ilaw,
at sa mga nakaupo sa lupain at lilim ng kamatayan,
ang liwanag ay sumilay.”
17 Mula(A) noon si Jesus ay nagpasimulang mangaral na nagsasabi, “Magsisi kayo, sapagkat malapit na ang kaharian ng langit.”
Tinawag ni Jesus ang mga Unang Alagad(B)
18 Sa paglalakad ni Jesus[a] sa tabi ng Dagat ng Galilea, nakita niya ang dalawang magkapatid, si Simon na tinatawag na Pedro, at si Andres na kanyang kapatid, na naghuhulog ng lambat sa dagat, sapagkat sila'y mga mangingisda.
Read full chapterFootnotes
- Mateo 4:18 Sa Griyego ay niya .