Add parallel Print Page Options

Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi, (A)Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Dios.

Nang magkagayo'y dinala siya ng diablo sa bayang banal; at inilagay siya sa taluktok ng templo,

At sa kaniya'y sinabi, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay magpatihulog ka: sapagka't nasusulat,

(B)Siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo:
at, Aalalayan ka ng kanilang mga kamay,
Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato.

Read full chapter