Font Size
Mateo 5:10-12
Ang Salita ng Diyos
Mateo 5:10-12
Ang Salita ng Diyos
10 Pinagpala ang mga inuusig dahil sa katuwiran sapagkat sa kanila ang paghahari ng langit.
11 Pinagpala kayo kung kayo ay inaalimura ng mga tao at pinag-uusig at pinagwiwikaan ng lahat ng uri ng masasamang salita na pawang kasinungalingan dahil sa akin. 12 Magalak at magsaya kayong totoo sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Ganyan din ang ginawa nilang pag-uusig sa mga propetang nauna sa inyo.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International