Add parallel Print Page Options

19 Kaya ang sinumang lumabag sa isa sa mga utos na ito, kahit na ang kaliit-liitan, at ituro sa mga tao ang gayon, ay tatawaging pinakamababa sa paghahari ng langit. Ngunit ang sinumang gumaganap at nagtuturong gana­pin ito ay tatawaging dakila sa paghahari ng langit. 20 Sinasabi ko sa inyo: Maliban na ang inyong katuwiran ay hihigit sa katuwiran ng mga guro ng kautusan at mga Fariseo, sa anumang paraan ay hindi kayo makakapasok sa paghahari ng langit.

Ang Pagpatay

21 Narinig ninyong sinabi nila noong unang panahon: Huwag kang papatay. Ang sinumang pumatay ay mapapa­sapanganib sa paghatol.

Read full chapter