Add parallel Print Page Options

37 Dapat lang na ang pananalita ninyo ay oo kung oo, at hindi kung hindi. Subalit anuman ang hihigit pa rito ay nanggagaling na sa masama.

Mata sa Mata

38 Narinig ninyong sinabi: Mata sa mata at ngipin sa ngipin.

39 Ngunit sinasabi ko sa inyo: Huwag ninyong kala­banin ang masamang tao. Ngunit ang sinumang sumampal sa iyo sa kanang pisngi, iharap mo rin sa kaniya ang kabila.

Read full chapter