Add parallel Print Page Options

39 Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag kayong gumanti sa masamang tao. Kung sinampal ka sa kanang pisngi, iharap mo rin sa kanya ang kaliwa. 40 Kung isakdal ka ninuman upang makuha ang iyong damit, ibigay mo ito sa kanya pati ang iyong balabal. 41 Kung pilitin ka ng isang kawal na pasanin ang kanyang dala ng isang milya,[a] pasanin mo iyon ng dalawang milya.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 5:41 ISANG MILYA: Ang katumbas ng isang milyang Romano ay 1,478.5 metro.