Add parallel Print Page Options

17 Ngunit kung mag-aayuno ka, langisan mo ang iyong ulo at maghilamos ka ng iyong mukha. 18 Sa ganoon, hindi makikita ng mga tao na nag-aayuno ka kundi ng iyong Ama na nasa lihim. Ang iyong Ama na nakakakita sa lihim ang magbibigay sa iyo ng gantimpala nang hayagan.

Ang Kayamanan sa Langit

19 Huwag kayong mag-ipon para sa inyong sarili ng kayamanan dito sa lupa na kung saan maraming tanga at kalawang ang naninira. Nanakawin din ang mga ito ng mga magnanakaw.

Read full chapter