Font Size
Mateo 6:25-27
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mateo 6:25-27
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Tungkol sa Pagkabalisa(A)
25 “Kaya't sinasabi ko sa inyo, huwag ninyong ikabalisa ang inyong ikabubuhay, kung ano ang inyong kakainin o kung ano ang inyong iinumin, ni ang inyong katawan, kung ano ang inyong isusuot. Hindi ba't mas mahalaga ang buhay kaysa sa pagkain, at ang katawan kaysa sa pananamit? 26 Tingnan ninyo ang mga ibon sa himpapawid! Hindi sila nagtatanim o gumagapas o nagtitipon sa kamalig, gayunma'y pinakakain sila ng inyong Amang nasa langit. Hindi ba mas mahalaga kayo kaysa kanila? 27 At sino sa inyo na dahil sa pagkabalisa ay nakapagdaragdag ng isang oras[a] sa haba ng kanyang buhay?
Read full chapterFootnotes
- Mateo 6:27 Sa Griyego, “makapagdaragdag ng isang siko”.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.