Font Size
Mateo 6:3-5
Ang Salita ng Diyos
Mateo 6:3-5
Ang Salita ng Diyos
3 Kung mamahagi ka sa mga kahabag-habag, huwag mo nang ipaalam sa iyong kaliwang kamay kung ano ang ginagawa ng iyong kanang kamay. 4 Sa gayon, maililihim ang iyong pamamahagi sa mga kahabag-habag. Ang iyong Ama na nakakakita sa lihim ay magbibigay ng gantimpala sa iyo nang hayagan.
Nagturo si Jesus Patungkol sa Pananalangin
5 Kapag ikaw ay mananalangin, huwag mong tularan ang mga mapagpaimbabaw. Ito ay sapagkat gustong-gusto nilang manalangin habang nakatayo sa mga sinagoga at sa mga panulukang-daan upang makita sila ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Tinanggap na nila ang kanilang gantimpala.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International