Mateo 6:5-7
Ang Salita ng Diyos
Nagturo si Jesus Patungkol sa Pananalangin
5 Kapag ikaw ay mananalangin, huwag mong tularan ang mga mapagpaimbabaw. Ito ay sapagkat gustong-gusto nilang manalangin habang nakatayo sa mga sinagoga at sa mga panulukang-daan upang makita sila ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Tinanggap na nila ang kanilang gantimpala.
6 Ngunit kung ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid. Kapag naisara mo na ang pinto, manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim. Ang iyong Ama na nakakakita sa lihim ang magbibigay sa iyo ng gantimpala nang hayagan. 7 Ngunit kapag ikaw ay mananalangin, huwag mong gamitin ang mga walang kabuluhang paulit-ulit na mga panalangin gaya ng ginagawa ng mga Gentil. Ito ay sapagkat nananalangin sila nang paulit-ulit dahil sa kanilang palagay ay diringgin sila sa dami ng kanilang salita.
Read full chapterCopyright © 1998 by Bibles International