Add parallel Print Page Options

16 Nang gabing iyon, dinala kay Jesus ang maraming sinasapian ng mga demonyo. Sa isang salita lamang ay pinalayas niya ang masasamang espiritu at pinagaling ang lahat ng may karamdaman. 17 Sa(A) gayon, natupad ang sinabi ni Propeta Isaias,

“Inalis niya ang ating mga kahinaan,
    pinagaling ang ating mga karamdaman.”

Ang Paglilingkod kay Jesus(B)

18 Nang makita ni Jesus ang mga tao[a] sa kanyang paligid, iniutos niya sa mga alagad na maghandang tumawid sa kabilang ibayo.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 8:18 ang mga tao: Sa ibang manuskrito'y ang napakaraming tao .