Add parallel Print Page Options

Lumapit sa kanya ang isang ketongin at lumuhod sa harapan niya, nakikiusap, “Panginoon, maaari mo po akong gawing malinis, kung nanaisin mo.” Iniunat ni Jesus ang kanyang kamay at hinawakan ang lalaki. Sinabi niya rito, “Nais ko. Maging malinis ka.” Sinabi ni Jesus sa kanya, “Tiyakin mong hindi mo ito sasabihin kaninuman, sa halip ay pumunta ka at humarap sa pari. Mag-alay ka ng handog na ipinag-utos ni Moises bilang katibayan sa kanila.”

Read full chapter