Add parallel Print Page Options

24 At biglang nagkaroon ng malakas na unos sa dagat, at halos matabunan na ng mga alon ang bangka. Subalit natutulog noon si Jesus. 25 Siya'y kanilang pinuntahan at ginising, na sinasabi, “Panginoon, iligtas mo kami! Mamamatay kami rito!” 26 Sinabi niya sa kanila, “Ano'ng ikinatatakot ninyo? Kayong mahihina ang pananampalataya!” Bumangon siya at pinagsabihan ang mga hangin at ang dagat. At nagkaroon ng ganap na katahimikan.

Read full chapter