Add parallel Print Page Options

26 Sumagot si Jesus, “Bakit kayo natatakot? Kay liit ng inyong pananampalataya.” Bumangon si Jesus at pinatigil ang hangin at ang mga alon, at biglang kumalma ang tubig. 27 Namangha ang mga tagasunod niya at sinabi, “Anong klaseng tao ito? Kahit ang hangin at mga alon ay napapasunod niya!”

Pinagaling ni Jesus ang Dalawang Lalaking Sinasaniban ng Masasamang Espiritu(A)

28 Nang dumating siya sa kabila ng lawa, sa lupain ng mga Gadareno,[a] sinalubong siya ng dalawang lalaking galing sa mga kwebang libingan. Ang mga lalaking itoʼy sinasaniban ng masasamang espiritu. Napakababangis nila, kaya walang nakakadaan doon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 8:28 Gadareno: Sa ibang tekstong Griego, Geraseno o, Gergeseno.