Add parallel Print Page Options

26 Ngunit sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo natatakot? Napakaliit naman ng inyong pananampalataya!” Bumangon siya, pinatigil ang hangin at ang mga alon, at bumuti ang panahon. 27 Namangha silang lahat at sinabi, “Ano kayang uri ng tao ito? Maging ang hangin at ang lawa ay sumusunod sa kanya!”

Mga Gadarenong Pinalaya sa Pang-aalipin ng mga Demonyo(A)

28 Nang dumating si Jesus sa kabilang ibayo, sa lupain ng mga Gadareno,[a] sinalubong siya ng dalawang lalaking sinasapian ng mga demonyo. Sila ay nakatira sa libingan. Napakababangis nila kaya't walang sinuman ang dumaraan doon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 28 Gadareno: Sa ibang manuskrito'y Geraseno, at sa iba pa'y Gergeseno .