Font Size
Mateo 8:8-10
Ang Biblia, 2001
Mateo 8:8-10
Ang Biblia, 2001
8 Ngunit sumagot ang senturion at sinabi, “Panginoon, hindi ako karapat-dapat sa iyo na puntahan mo ang aking bahay,[a] ngunit sabihin mo lamang ang salita at gagaling ang aking alipin.
9 Sapagkat ako ay isang taong nasa ilalim ng awtoridad na may mga kawal na nasa ilalim ko. Sinasabi ko sa isa, ‘Humayo ka,’ at siya ay humahayo; at sa iba naman, ‘Halika,’ at siya ay lumalapit; at sa aking alipin, ‘Gawin mo ito,’ at ginagawa nga niya.”
10 Nang marinig ito ni Jesus ay namangha siya, at sinabi sa mga sumusunod sa kanya, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, kahit sa Israel man ay hindi ako nakatagpo ng ganito kalaking pananampalataya.
Read full chapterFootnotes
- Mateo 8:8 Sa Griyego ay sa ilalim ng aking bubungan .