Add parallel Print Page Options

Ginawa ko ito upang inyong malaman na ako, ang Anak ng Tao ay may kapamahalaang magpatawad ng mga kasalanan dito sa lupa. At sasabihin ko sa kaniya: Bumangon ka, buhatin mo ang iyong higaan. Umuwi ka na sa bahay ninyo. Siya ay bumangon at umalis pauwi sa bahay niya.

Nang makita ito ng napakaraming tao ay namangha sila. Niluwalhati nila ang Diyos na nagbigay ng gayong kapama­halaan sa mga tao.

Read full chapter