Add parallel Print Page Options

28 Ngunit kung sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos ay nagpapalayas ako ng mga demonyo, dumating na nga sa inyo ang kaharian ng Diyos.

29 O paano bang makakapasok ang sinuman sa bahay ng malakas na tao at nakawin ang mga ari-arian nito, kung hindi muna gagapusin ang malakas na tao? At saka pa lamang niya mapagnanakawan ang bahay nito.

30 Ang(A) hindi panig sa akin ay laban sa akin, at ang hindi ko kasamang nagtitipon ay nagkakalat.

31 Kaya't sinasabi ko sa inyo, ang bawat kasalanan at paglapastangan ay ipatatawad sa mga tao; ngunit ang paglapastangan laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad.

32 At(B) ang sinumang magsabi ng isang salita laban sa Anak ng Tao ay patatawarin; ngunit ang sinumang magsalita laban sa Espiritu Santo ay hindi patatawarin maging sa panahong ito o sa darating.

Read full chapter