Font Size
Mateo 14:28-31
Ang Biblia, 2001
Mateo 14:28-31
Ang Biblia, 2001
28 Sumagot sa kanya si Pedro at nagsabi, “Panginoon, kung ikaw iyan, ipag-utos mo sa akin na lumapit sa iyo sa ibabaw ng tubig.”
29 Sinabi niya, “Halika.” Kaya't bumaba si Pedro sa bangka at lumakad sa ibabaw ng tubig patungo kay Jesus.
30 Ngunit nang mapansin niya ang hangin,[a] natakot siya, at nang siya'y papalubog na ay sumigaw siya, “Panginoon, iligtas mo ako!”
31 Inabot kaagad ni Jesus ang kamay niya at hinawakan siya, na sinasabi sa kanya, “O ikaw na maliit ang pananampalataya, bakit ka nag-alinlangan?”
Read full chapterFootnotes
- Mateo 14:30 Sa ibang mga kasulatan ay mayroong salitang malakas .