Add parallel Print Page Options

51 Nang sandali ring iyon, nahati mula sa itaas hanggang sa ibaba ang kurtina sa loob ng templo. Lumindol sa buong lupain at nagkabitak-bitak ang mga bato. 52 Nabuksan ang mga libingan at maraming banal[a] ang muling nabuhay. 53 Lumabas sila ng libingan, at nang muling mabuhay si Jesus, pumunta sila sa Jerusalem[b] at marami ang nakakita sa kanila.

Read full chapter

Footnotes

  1. 27:52 banal: sa Griego, hagios, na ang ibig sabihin ay itinuring ng Dios na sa kanya.
  2. 27:53 Jerusalem: sa literal, banal na lungsod.