Add parallel Print Page Options

Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka't kanila ang kaharian ng langit.

Mapapalad ang nangahahapis: sapagka't sila'y aaliwin.

Mapapalad ang maaamo: sapagka't mamanahin nila ang lupa.

Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka't sila'y bubusugin.

Mapapalad ang mga mahabagin: sapagka't sila'y kahahabagan.

Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka't makikita nila ang Dios.

Mapapalad ang mga mapagpayapa: sapagka't sila'y tatawaging mga anak ng Dios.

10 Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka't kanila ang kaharian ng langit.

Read full chapter