Add parallel Print Page Options

12 Bumangon ka, Oh Panginoon, Oh Dios, (A)itaas mo ang iyong kamay:
Huwag mong kalimutan ang dukha.
13 Bakit sinusumpa ng masama ang Dios,
At nagsasabi sa kaniyang puso: Hindi mo (B)sisiyasatin?
14 Iyong nakita; sapagka't iyong minamasdan ang pahirap at pangduduwahagi upang mapasa iyong kamay:
Ang walang nagkakandili ay napakukupkop (C)sa iyo; (D)Ikaw ay naging tagakandili sa ulila.

Read full chapter