Add parallel Print Page Options

Mangaglingkod kayo na may kasayahan sa Panginoon;
Magsilapit kayo sa kaniyang harapan na may awitan.
Alamin ninyo na ang Panginoon ay siyang Dios;
(A)Siya ang lumalang sa atin, at tayo'y kaniya:
(B)Tayo'y kaniyang bayan, at mga tupa ng kaniyang pastulan.
(C)Magsipasok kayo sa kaniyang mga pintuang-daan na may pagpapasalamat,
At sa kaniyang looban na may pagpupuri:
Mangagpasalamat kayo sa kaniya, at purihin ninyo ang kaniyang pangalan.

Read full chapter