Font Size
Mga Awit 105:21-23
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Awit 105:21-23
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
21 Doon(A) sa palasyong tahanan ng hari pinapamahala,
sa buong lupain, si Jose'y ginawa niyang katiwala.
22 Siya'ng sinusunod ng mga prinsipe doon sa palasyo,
siya ang pag-asa ng mga matandang ang gawa'y magpayo.
23 Sa(B) bansang Egipto, itong si Israel ay doon nagpunta,
sa lupain ni Ham, ang nunong si Jacob ay doon tumira.