Font Size
Mga Awit 105:40-42
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Awit 105:40-42
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
40 Nang(A) sila'y humingi niyong makakain, pugo ang nakita,
at buhat sa langit, sila ay binusog ng maraming manna.
41 Sa(B) bitak ng bato, bumukal ang tubig nang sila'y mauhaw,
pinadaloy niyang katulad ay ilog sa gitna ng ilang.
42 Nagunita ng Diyos ang kanyang ginawang mahalagang tipan,
ang pangako niya sa tapat na lingkod niyang si Abraham.