Add parallel Print Page Options

Awit sa Paggunita sa Kasaysayan ng Bansang Israel(A)

105 Dapat na si Yahweh, ating Panginoon, ay pasalamatan,
    ang kanyang ginawa sa lahat ng bansa'y dapat ipaalam.
Siya ay purihin, handugan ng awit, ating papurihan,
    ang kahanga-hangang mga gawa niya'y dapat na isaysay.
Tayo ay magalak yamang lahat tayo ay tunay na kanya,
    ang kanyang pangalan, ang pangalang banal, napakadakila,
    lahat ng may nais maglingkod kay Yahweh, dapat na magsaya.
Siya ay hanapin, at ang kanyang lakas ay siyang asahan,
    siya ay hanapin upang mamalagi sa kanyang harapan.
Ating gunitain ang kahanga-hanga niyang mga gawa,
    ang kanyang paghatol, gayon din ang kanyang ginawang himala.
Ito'y nasaksihan ng mga alipi't anak ni Abraham,
    gayon din ng lahat na anak ni Jacob na kanyang hinirang.

Ang Diyos na si Yahweh ang Panginoon, siya ang ating Diyos,
    sa kanyang paghatol ang nasasaklaw, buong sansinukob.
Ang tipang pangako'y laging nasa isip niya kailanman,
    ang mga pangakong kanyang binitiwan sa lahat ng angkan.
Ang(B) tipan ng Diyos ay unang ginawa niya kay Abraham,
    at may pangako ring ginawa kay Isaac na lingkod na mahal;
10 sa(C) harap ni Jacob, ang pangakong ito'y kanyang pinagtibay,
    para sa Israel, ang tipan na ito ay pangwalang-hanggan.
11 Sinabi ng Diyos, “Ang lupang Canaa'y ikaw ang kukuha,
    bilang bahagi mo sa aking pangako na ipapamana.”

12 Nang panahong iyon sila ay iilan, hindi pa marami,
    kaya sa lupaing tinirhan nila'y hindi nanatili.
13 Tulad nila noon ay taong lagalag na palipat-lipat,
    kung saang lupalop, mga kaharian sila napasadlak.
14 Sinuman(D) ay hindi niya tinulutang sila'y alipinin,
    ang haring magtangka na gumawa nito ay pananagutin.
15 Ang sabi ng Diyos di dapat apihin ang kanyang hinirang,
    ang mga propetang mga lingkod niya'y hindi dapat saktan.

16 Sa(E) lupain nila'y mayroong taggutom na ipinarating
    itong Panginoon, kung kaya nagdahop sila sa pagkain.
17 Subalit(F) ang Diyos sa unahan nila'y may sugong lalaki,
    tulad ng alipin, ibinenta nila ang batang si Jose;
18 mga(G) paa nito'y nagdanas ng hirap nang maikadena,
    pinapagkuwintas ng kolyar na bakal pati leeg niya.
19 Hanggang sa dumating ang isang sandali na siya'y subukin nitong si Yahweh,
    na siyang nangakong siya'y tutubusin.
20 Ang(H) ginamit ng Diyos ay isang hari upang lumaya,
    pinalaya siya nitong haring ito na namamahala.
21 Doon(I) sa palasyong tahanan ng hari pinapamahala,
    sa buong lupain, si Jose'y ginawa niyang katiwala.
22 Siya'ng sinusunod ng mga prinsipe doon sa palasyo,
    siya ang pag-asa ng mga matandang ang gawa'y magpayo.

23 Sa(J) bansang Egipto, itong si Israel ay doon nagpunta,
    sa lupain ni Ham, ang nunong si Jacob ay doon tumira.
24 Ginawa(K) ni Yahweh ay kusang pinarami ang kanyang hinirang,
    pinalakas ito, higit pa sa lakas ng mga kaaway.
25 Tinulutan niyang doon sa Egipto sila ay itakwil,
    ipinabusabos at pinahirapan nang gawing alipin.

26 Saka(L) inutusan itong si Moises, sinugo ng Diyos,
    sinugo rin niya pati si Aaron, ang piniling lingkod.
27 Sa bansang Egipto'y maraming himalang ginampanan sila,
    sa utos ng Diyos, maraming himalang doon ay nakita.
28 Ang(M) isang ginawa niya'y pinadilim sa buong lupain,
    ang ginawang ito'y hindi inintindi ni hindi pinansin.
29 Ang(N) ilog at batis ay kanyang ginawang dugong dumadaloy,
    pawang nangamatay ang lahat ng isdang doo'y lumalangoy.
30 Napuno(O) ng mga palakang kay rami ang buong lupain,
    maging mga silid ng mahal na hari ay may palaka rin.
31 Sa(P) utos ng Diyos ay maraming niknik ang biglang sumipot,
    sa lahat ng dako kay rami ng langaw, gayon din ng lamok.
32 Sa(Q) halip na tubig, ay maraming yelo ang nagsilbing ulan,
    ang kulog at kidlat ay sala-salabat nilang nasaksihan.
33 Ang mga ubasan, mga punongkahoy katulad ng igos,
    ay kanyang nilagas, mga bunga nito'y hindi na nahinog.
34 Isang(R) utos lamang at biglang dumating ang maraming balang,
    langit ay nagdilim sa dinami-rami ay hindi mabilang.
35 Lahat ng gulayin at mga halaman sa buong lupain,
    sinira ng balang, mga bunga nito'y kanilang kinain.
36 Ang(S) mga panganay sa buong Egipto ay kanyang pinatay,
    kaya sa Egipto, noon ay naubos ang mga panganay.

37 Pagkatapos(T) nito, ang bayang Israel kanyang inilabas,
    malulusog sila't lumabas na dala'y mga ginto't pilak.
38 Pawang nangatuwa ang mga Egipcio nang sila'y umalis,
    pagkat natakot na sa mga pahirap nilang tinitiis.
39 Ang(U) naging patnubay nila sa paglakad, kung araw ay ulap,
    at kung gabi naman ay haliging apoy na nagliliwanag.
40 Nang(V) sila'y humingi niyong makakain, pugo ang nakita,
    at buhat sa langit, sila ay binusog ng maraming manna.
41 Sa(W) bitak ng bato, bumukal ang tubig nang sila'y mauhaw,
    pinadaloy niyang katulad ay ilog sa gitna ng ilang.
42 Nagunita ng Diyos ang kanyang ginawang mahalagang tipan,
    ang pangako niya sa tapat na lingkod niyang si Abraham.

43 Kaya't ang bayan niya'y kanyang inilabas na lugod na lugod,
    nang kanyang ialis, umaawit sila nang buong alindog.
44 Ang(X) mga hinirang ay binigyan niya ng lupang malawak,
    sila ang nag-ani sa lupaing iyong iba ang naghirap.
45 Ginawa niya ito upang ang tuntuni'y kanilang mahalin,
    yaong kautusan, ang utos ni Yahweh ay kanilang sundin.

Purihin si Yahweh!

Psalm 105(A)

Give praise to the Lord,(B) proclaim his name;(C)
    make known among the nations what he has done.
Sing to him,(D) sing praise to him;(E)
    tell of all his wonderful acts.(F)
Glory in his holy name;(G)
    let the hearts of those who seek the Lord rejoice.
Look to the Lord and his strength;
    seek his face(H) always.

Remember the wonders(I) he has done,
    his miracles, and the judgments he pronounced,(J)
you his servants, the descendants of Abraham,(K)
    his chosen(L) ones, the children of Jacob.
He is the Lord our God;
    his judgments are in all the earth.

He remembers his covenant(M) forever,
    the promise he made, for a thousand generations,
the covenant he made with Abraham,(N)
    the oath he swore to Isaac.
10 He confirmed it(O) to Jacob as a decree,
    to Israel as an everlasting covenant:(P)
11 “To you I will give the land of Canaan(Q)
    as the portion you will inherit.”(R)

12 When they were but few in number,(S)
    few indeed, and strangers in it,(T)
13 they wandered from nation to nation,(U)
    from one kingdom to another.
14 He allowed no one to oppress(V) them;
    for their sake he rebuked kings:(W)
15 “Do not touch(X) my anointed ones;
    do my prophets(Y) no harm.”

16 He called down famine(Z) on the land
    and destroyed all their supplies of food;
17 and he sent a man before them—
    Joseph, sold as a slave.(AA)
18 They bruised his feet with shackles,(AB)
    his neck was put in irons,
19 till what he foretold(AC) came to pass,
    till the word(AD) of the Lord proved him true.
20 The king sent and released him,
    the ruler of peoples set him free.(AE)
21 He made him master of his household,
    ruler over all he possessed,
22 to instruct his princes(AF) as he pleased
    and teach his elders wisdom.(AG)

23 Then Israel entered Egypt;(AH)
    Jacob resided(AI) as a foreigner in the land of Ham.(AJ)
24 The Lord made his people very fruitful;
    he made them too numerous(AK) for their foes,
25 whose hearts he turned(AL) to hate his people,
    to conspire(AM) against his servants.
26 He sent Moses(AN) his servant,
    and Aaron,(AO) whom he had chosen.(AP)
27 They performed(AQ) his signs(AR) among them,
    his wonders(AS) in the land of Ham.
28 He sent darkness(AT) and made the land dark—
    for had they not rebelled against(AU) his words?
29 He turned their waters into blood,(AV)
    causing their fish to die.(AW)
30 Their land teemed with frogs,(AX)
    which went up into the bedrooms of their rulers.
31 He spoke,(AY) and there came swarms of flies,(AZ)
    and gnats(BA) throughout their country.
32 He turned their rain into hail,(BB)
    with lightning throughout their land;
33 he struck down their vines(BC) and fig trees(BD)
    and shattered the trees of their country.
34 He spoke,(BE) and the locusts came,(BF)
    grasshoppers(BG) without number;(BH)
35 they ate up every green thing in their land,
    ate up the produce of their soil.
36 Then he struck down all the firstborn(BI) in their land,
    the firstfruits of all their manhood.
37 He brought out Israel, laden with silver and gold,(BJ)
    and from among their tribes no one faltered.
38 Egypt was glad when they left,
    because dread of Israel(BK) had fallen on them.

39 He spread out a cloud(BL) as a covering,
    and a fire to give light at night.(BM)
40 They asked,(BN) and he brought them quail;(BO)
    he fed them well with the bread of heaven.(BP)
41 He opened the rock,(BQ) and water gushed out;
    it flowed like a river in the desert.

42 For he remembered his holy promise(BR)
    given to his servant Abraham.
43 He brought out his people with rejoicing,(BS)
    his chosen ones with shouts of joy;
44 he gave them the lands of the nations,(BT)
    and they fell heir to what others had toiled(BU) for—
45 that they might keep his precepts
    and observe his laws.(BV)

Praise the Lord.[a](BW)

Footnotes

  1. Psalm 105:45 Hebrew Hallelu Yah