Font Size
Mga Awit 106:20-22
Magandang Balita Biblia
Mga Awit 106:20-22
Magandang Balita Biblia
20 Ang dakilang Diyos ay ipinagpalit sa diyos na nilikha,
sa diyos na baka na ang kinakain ay damong sariwa.
21 Kanilang nilimot ang Diyos na si Yahweh, ang Tagapagligtas,
ang kanyang ginawa doon sa Egipto'y kagila-gilalas.
22 Sa lupaing iyon ang ginawa niya'y tunay na himala.
Sa Dagat na Pula[a] yaong nasaksihan ay kahanga-hanga.
Footnotes
- Mga Awit 106:22 Dagat na Pula: o kaya’y Dagat ng mga Tambo .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.