Add parallel Print Page Options

23 Ang pasya ng Diyos sa ginawa nila'y lipulin pagdaka,
    agad na dumulog kay Yahweh si Moises, namagitan siya,
    at hindi natuloy iyong kapasyahan na lipulin sila.

24 Ang(A) lupang-pangarap na ipinangako'y kusang tinanggihan,
    dahilan sa sila'y hindi naniwala sa pangakong tipan.
25 Sa loob ng tolda ay nagrereklamo at puro pa angal,
    at hindi nila pinakinggan tinig ni Yahweh, Diyos na banal.

Read full chapter