Font Size
Mga Awit 106:36-38
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Awit 106:36-38
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
36 Ang diyus-diyosan ang sinamba nila at pinaglingkuran,
sa ginawang ito, sila ang nagkamit ng kaparusahan.
37 Pati(A) anak nilang babae't lalaki'y inihaing lubos,
sa diyus-diyosan, mga batang ito ay ginawang handog.
38 Ang(B) pinatay nila'y mga batang musmos, batang walang malay
para ipanghandog sa diyus-diyosan ng lupang Canaan,
kaya't ang lupain sa ginawa nila'y pawang nadungisan.