Font Size
Mga Awit 109:23-25
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Awit 109:23-25
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
23 Anino ang katulad ko na kung gabi'y nawawala,
parang balang na lumipad, kapag ako ay inuga.
24 Mahina na ang tuhod ko, dahilan sa di pagkain,
payat na ang katawan ko, buto't balat sa paningin.
25 Ang(A) sinumang makakita sa akin ay nagtatawa,
umiiling silang lahat kapag ako'y nakikita.