Font Size
Mga Awit 115:13-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Awit 115:13-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
13 Sa(A) lahat ng mayro'ng takot kay Yahweh, lahat mapagpapala,
kung magpala'y pantay-pantay, sa hamak man o dakila.
14 Sana kayo'y paramihin, kayo at ang inyong angkan,
anak ninyo ay dumami, lumaki ang inyong bilang.
15 Pagpalain sana kayo, pagpalain kayong lubos,
pagpalain ng lumikha ng langit at sansinukob.