Add parallel Print Page Options

Ang tali ng kamatayan ay (A)pumulupot sa akin,
At ang mga sakit ng Sheol ay nagsihawak sa akin:
Aking nasumpungan ang kabagabagan at kapanglawan.
(B)Nang magkagayo'y tumawag ako sa pangalan ng Panginoon;
Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, iligtas mo ang aking kaluluwa.
(C)Mapagbiyaya ang Panginoon, at matuwid;
Oo, ang Dios namin ay maawain.

Read full chapter