Font Size
                  
                
              
            
Mga Awit 121
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Awit 121
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Si Yahweh ang Ating Tagapagtanggol
Isang Awit ng Pag-akyat upang Sumamba.
121 Do'n sa mga burol, ako'y napatingin—
    sasaklolo sa akin, saan manggagaling?
2 Ang hangad kong tulong, kay Yahweh magmumula,
    sa Diyos na lumikha ng langit at ng lupa.
3 Di niya ako hahayaang mabuwal,
    siya'y di matutulog, ako'y babantayan.
4 Ang tagapagtanggol ng bayang Israel,
    hindi natutulog at palaging gising!
5 Si Yahweh ang ating Tagapag-ingat,
    laging nasa piling, upang magsanggalang.
6 Di ka maaano sa init ng araw,
    kung gabi ay di ka sasaktan ng buwan.
7 Si Yahweh ang siyang sa iyo'y mag-iingat,
    sa mga panganib, ika'y ililigtas.
8 Si Yahweh ang siyang sa iyo'y mag-iingat
    saanman naroon, ika'y iingatan, di ka maaano kahit na kailan.