Font Size
                  
                
              
            
Mga Awit 134
Magandang Balita Biblia
Mga Awit 134
Magandang Balita Biblia
Paanyaya Upang Purihin ang Diyos
Isang Awit ng Pag-akyat upang Sumamba.
134 Lumapit kay Yahweh, at kayo'y magpuri,
    mga naglilingkod sa templo kung gabi.
2 Sa loob ng templo siya'y dalanginan,
    taas kamay na si Yahweh'y papurihan.
3 Pagpalain nawa kayo ni Yahweh, Diyos na lumikha ng langit at ng lupa;
    magmula sa Zion, ang iyong pagpapala.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG) 
    Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
