Add parallel Print Page Options

Iparinig mo sa akin ang iyong kagandahang-loob (A)sa kinaumagahan;
Sapagka't sa iyo ako tumitiwala:
(B)Ipabatid mo sa akin ang daan na aking dapat lakaran;
Sapagka't itinaas ko ang aking kaluluwa sa iyo.
Iligtas mo ako, Oh Panginoon, sa aking mga kaaway:
Tumatakas ako sa iyo upang ikubli mo ako.
10 (C)Turuan mo akong gumawa ng iyong kalooban;
Sapagka't ikaw ay aking Dios:
(D)Ang iyong Espiritu ay mabuti;
Patnubayan mo ako (E)sa lupain ng katuwiran.

Read full chapter