Font Size
Mga Awit 143:9-11
Magandang Balita Biblia
Mga Awit 143:9-11
Magandang Balita Biblia
9 Iligtas mo ako sa mga kalaban,
ikaw lang, O Yahweh, ang aking kanlungan.
10 Ikaw ang aking Diyos, ako ay turuan
na aking masunod ang iyong kalooban;
ang Espiritu[a] mo'y maging aking tanglaw sa aking paglakad sa ligtas na daan.
11 Ikaw ay nangakong ako'y ililigtas, pagkat dakila ka, iligtas mo agad;
iligtas mo ako sa mga bagabag.
Footnotes
- Mga Awit 143:10 Espiritu: o kaya'y kapangyarihan .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.