Font Size
                  
                
              
            
Mga Awit 146:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Awit 146:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
7     Panig sa naaapi, kung siya'y humatol,
    may pagkaing handa, sa nangagugutom.
Pinalaya niya ang mga nabihag;
8     isinasauli, paningin ng bulag;
lahat ng inapi ay itinataas,
    ang mga hinirang niya'y nililingap.
9 Isinasanggalang ang mga dayuhang sa lupain nila'y doon tumatahan;
    tumutulong siya sa balo't ulila,
    ngunit sa masama'y parusa'ng hatid niya.