Font Size
                  
                
              
            
Mga Awit 24:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Awit 24:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
3 Sa burol ni Yahweh, sinong nararapat umahon?
    Sa banal niyang Templo, sinong dapat pumaroon?
4 Ang(A) taong malinis ang buhay pati ang isipan,
    hindi sumasamba sa mga diyus-diyosan;
    at hindi sumusumpa ng kasinungalingan.
5 Bibigyan siya ni Yahweh ng pagpapala't kaligtasan,
    ipahahayag siya ng Diyos na walang kasalanan.