Add parallel Print Page Options

(A)Huwag mong alalahanin ang mga kasalanan ng aking kabataan, ni ang aking mga pagsalangsang:
Ayon sa iyong kagandahangloob ay alalahanin mo ako, Dahil sa iyong kabutihan, Oh Panginoon.
Mabuti at matuwid ang Panginoon:
Kaya't tuturuan niya ang mga makasalanan sa daan.
Ang maamo ay papatnubayan niya sa kahatulan:
At ituturo niya sa maamo ang daan niya.

Read full chapter