Font Size
Mga Awit 3:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Awit 3:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
3 Ngunit ikaw, Yahweh, ang aking sanggalang,
binibigyan mo ako ng tagumpay at karangalan.
4 Tumatawag ako kay Yahweh at humihingi ng tulong,
sinasagot niya ako mula sa banal na bundok. (Selah)[a]
5 Ako'y nakakatulog at nagigising,
buong gabi'y si Yahweh ang tumitingin.
Footnotes
- 4 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.