Font Size
Mga Awit 40:12-14
Ang Biblia (1978)
Mga Awit 40:12-14
Ang Biblia (1978)
12 Sapagka't kinulong ako ng walang bilang na kasamaan.
Ang mga kasamaan ko ay (A)umabot sa akin, na anopa't hindi ako makatingin;
Sila'y (B)higit kay sa mga buhok ng aking ulo,
At ang aking puso ay nagpalata sa akin.
13 Kalugdan[a] mo nawa, Oh Panginoon, na iligtas ako:
Ikaw ay (C)magmadaling tulungan mo ako, Oh Panginoon.
14 (D)Sila'y mangapahiya nawa at mangatulig na magkakasama
Na nagsisiusig ng aking kaluluwa upang ipahamak:
Sila nawa'y mangapaurong at mangadala sa kasiraang puri
Na nangalulugod sa aking kapahamakan.
Footnotes
- Mga Awit 40:13 Awit 70:1-5.
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978